5/24/12
ARAW NG PAGTITIIS.
- Tiniis ko ang hindi matulog sa fx kahit na kusa na akong naghe-head bang sa antok dahil sa sobrang lakas ng ulan kanina at halos walang makita sa NLEX, ayun, KABADO LANG. O_o
- Tiniis ko ang mga talsik ng mga bakas ng ulan sa sahig ng palengke sa mga paa kong kung may sariling kamay ay binatukan na ako… BAKIT PA BA KASI AKO NAG-SANDALS??? O_o
- Tiniis ko na naman ang buwan-buwan kong tinitiis. MINSAN HIRAP MAGING BABAE. Pero, salamat sa COKE…nakabawas sakit. ^_^
- Tiniis kong hindi bilhin ang Adobong Pusit sa carinderia dahil sa isang kasinungalingang- NAGTITIPID AKO. (Pero bakit, wala ako naipon ngayong araw? Errr.)
- Tiniis ko ang all-time favorite meryenda na KARYOKA para sa baguhang BUTONG PAKWAN at MAANGHANG NA MANI. (Di ko alam kung magsisisi ako.)
- Tiniis kong hindi masyadong kiligin noong makita ko ang kapatid ni Aira, kasamahan namin sa DA, nang dumalaw siya kanina. OO, TINIIS KO PA YUN NANG LAGAY NA YUN! HAHAHA.
- NAGLAKAD ULIT AKO PAUWI. Peeeero, GINUSTO ko yun at di TINIIS. :)
- Ngayon, titiisin ko namang hindi isipin ang isang taong madalas akong tiisin. K.
TULUGAN NA. Last day na bukas!!!! :) ♥





